Filipino / Tagalog
Pagdating na sa usapang sekswal na pagpayag, ang mga taong nasa-edad na ay mas tinutukoy ang tungkol sa mga peligro. Ito ay natural lang dahil gusto nating protektahan ang mga anak at ito ay kung ilan sa atin ang napalaki na. Ngunit sa pag-uusap tungkol sa pagpayag ay hindi naman kailangang tungkol sa mga grabeng-pangyayari. Maaari kang mag-umpisa sa pagkakatuto muna sa iyong sarili at pagkakaroon ng mga pakikipagtalakayan tungkol sa sekswal na pagpayag sa ibang mga mapagkakatiwalaang taong nasa-edad katulad ng pamilya o mga kaibigan.
Bago tayo makipag-usap tungkol sa pagpayag, kailangang alam natin kung ano nga ba ito.
Ang sekswal na pagpayag ay nauugnay sa mga aktibidad na sekswal, katulad ng:
- sekswal na pagtatalik
- paghipo ng isang tao sa sekswal na paraan
- nagbabahagian ng sekswal na mga litrato
- panonood ng mga sekswal na aktibidad sa online (kompyuter).
Ang sekswal na pagpayag ay isang malaya, boluntaryo at may-kaalamang pagsang-ayon sa pagitan ng dalawang tao para sumali sa isang gawaing sekswal. Mahalaga ito para sa mga taong nasa-edad na sa pagkakaroon ng naaangkop na mga pagtatalakayan sa kanilang mga anak tungkol sa mga bahagi ng katawan, kaligtasan, at pakikinig at pagtanggap ng salitang ‘hindi’ (‘no’) habang nasa kabataang edad upang tulungan silang maintindihan kung ano ang sekswal na pagpayag at kung bakit ito ay may kahalagahan.
Galugarin ang mga sari-saring naisalinwika na mapagkukunan na nasa wikang Tagalog; i-download ang mga video, interaksyon sa sosyal media (social tiles) at Conversation Guides (mga gabay sa pakikipagtalakayan) upang matutunan kung paano gagawin ang naaangkop-sa-edad na pakikipagtalakayan sa mga kabataan tungkol sa sekswal na pagpayag. Ang nakabukas na pagdadayalogo (dialogue) tungkol sa seks (sex), pakikipag-date (dating) at mga pakikipagrelasyon ay makakasuporta sa kanilang kagalingan at antalain ang kanilang gustong aktibidad na sekswal hanggang sa sila ay nakahanda na.
-
Filipino Conversation Guide / Tagalog na Gabay sa Pagkikipagtalakayan
Conversation guideThe following Conversation Guide is available in Filipino/Tagalog for adults to gain a clearer understanding of consent. Once you’re on the same page as other adults, you’ll be ready to talk to young people.
Ang kasunod na Gabay sa Pakikipagtalakayan (Conversation Guide) ay makukuha sa wikang Filipino/Tagalog upang ang mga nasa-edad na ay may mas malinaw na pagkakaunawa tungkol sa pagpayag. Kapag ikaw at ang iba pang mga nasa-edad na ay nag-uusap nang nasa magkaparehong lebel ng kamalayan, ikaw ay handang-handa na para sa pakikipag-usap sa mga kabataan.